Can I Help?

Simpleng buhay lang ang pangarap ko. ‘Yung tipong gigising ka sa umaga ng may pasasalamat sa Diyos, babatiin ang mainit na sikat ng araw sa iyong mukha at lalanghapin ang sariwang hangin na dala ng panibagong araw. ‘Yung maamoy mo yung mabango at bagong-lutong mainit na pandesal ay sapat na para yayain ang pamilya mo na manalangin at mag-almusal. At sa ganitong simula siguradong masaya ang magiging buong araw mo – sa school man o sa trabaho. Simpleng buhay!

Teka, ibig sabihin ba ang simpleng buhay ng isang Kristyano ay pagpunta lang sa church, pagdadasal, at pagiging mabait? Kung ikukumpara sa larawan ng simpleng buhay, yung “pagsisimba, pagdadasal, at pagpapakabait” ay katumbas lang ng “paggising sa umaga, pag-enjoy sa ganda ng kalikasan, at pagkain ng mainit na pandesal”. May kulang ba? Meron! Saan na napunta sa buhay ng Kristyano yung “pagpasok sa eskwelahan o paggawa ng trabaho”?

Friend, if you consider yourself a Christian or a follower of Christ, you should know that the Christian life does not consist of simply going to church, enjoying life, praying to God (na ang ibig sabihin sa karamihan ay paghingi ng mga bagay sa Diyos), and being nice. That’s Consumer Christianity! Ibig sabihin nakikinabang ka lang sa biyaya ng Diyos – nakikikain ka lang – pero hindi mo naisasabuhay yung kind of life that Christ called you to live.

Paano ba maging isang tunay na Kristyano?

Simple Christianity is Real Christianity. It is living the life that Christ called us to live – a life to the full!

That includes schooling (learning from His teachings and passing them to others) and working (going forth and making disciples). That’s verse 20 and 19 of Matthew 28! Balewala ang pagkain mo ng pandesal sa umaga kung hihilata ka lang pala maghapon. Para saan pa ang energy na ibibigay sa’yo ng mga kinain mo kung uupo at manonood ka lang pala ng TV o YouTube videos (o magbrowse ng Facebook NewsFeed) maghapon? That’s not simple Christianity, because that’s never Christianity, that’s just insanity!

matrix-inverted-colors

Ang buhay Kristyano ay isang active at adventure-filled life! Parang araw-araw may hiking, wall climbing, o boating ka! I invite you…

Sama ka sa Christian journey ko na puno ng adventures, mga akyat ng bundok at hulog sa bangin. Let’s learn explore together how it is to be a real Christian. Yung walang branding, legalism, at kung anu-anong add-ons. Just plain and simple Christianity. Maging isang simpleng Kristyano – simple pero totoo!

Let’s walk with God and His Word!

Walk with me daily by going through my reflections from my daily devotion to God and His Word (Start Reading. Click the button below.).

start-reading-button

Or let me assist you in studying the Bible as I go through them from Genesis to Revelation (Read The Bible “Chronologically” In One Year).

bible-reading-guy-782907

Kung may mga tanong ka regarding your faith and Christianity, baka makatulong din ako (Tanong ka lang. Ask by clicking the Thinking Hat below.).

riddlers-hat

I am not better than you. Kagaya mo, isa lang din akong “pulubi” na naghahanap ng “tinapay” (hindi barya). Wala akong tinapay na maibibigay sa’yo maliban sa Tinapay na nakukuha ko. At ang magagawa ko lang talaga ay ang ituro sa’yo ang Source ng lahat ng meron ako.

May this website and everything in it point you to the Bread of Life – to JESUS – Ang Tinapay ng Buhay!

To God Be The Glory!

%d bloggers like this: