Christ, The King!

*Bible Readings: 2 Samuel 5:1-3; Psalm 122:1-5; Colossians 1:12-20; Luke 23:35-43

Simple lang maging Kristyano, pero hindi ito madali.

Nalilito ka na ba? Madalas kasi kapag sinasabi nating simple ang isang bagay, the next thing we think ay madali lang yun. But the words “simple” at “madali” do not mean the same. Magkaiba ang kahulugan nila. Bilang isang Kristyano for about fourteen years, I have to say that to be a “follower of Christ” is not easy. I am not saying this to scare those who want to follow Jesus, in the same way na hindi tinakot ni Kristo yung mga gustong sumunod sa Kanya. Pero lahat ng nagsasabi na Kristyano siya o tagasunod siya ni Kristo ay dapat siguradong alam kung ano ang pinapasok nya. In other words, a Christian must have read fully the terms and conditions (or disclaimer notice) before entering into a contract of agreement to walk in a relationship with God. Kasi lahat ng relationships dapat malinaw ang terms and conditions.

Bago ka pumasok sa isang relasyon, dapat kilala mo yung person that you would have a relationship with. Hindi pwede yung first meeting pa lang, pangalan pa lang ang alam mo, mag-boyfriend at girlfriend na agad kayo. Pag ganyan ang relationship, expect it to be “easy come, easy go.” Which is why Christianity as a personal relationship with Jesus Christ requires that you know the Person of Jesus. You know He is the Christ, as Peter declared. Pero ano ba ang ibig sabihin nun?

The reading today from Colossians gives a good description of the nature of Jesus Christ. Pero ang remarkable na nabanggit sa verses 12 at 13 ay yung term na “kingdom”. Para sa mga Jews na nabuhay noong first century (0-100) A.D., the mention of “kingdom” makes them reminisce of the glorious past of Israel, yung mga panahon ng paghahari ni King David. The passage from 2 Samuel tells the story kung paano naging king over all Israel si David. It was a glorious time in Israel’s history. The verses from the Psalm records David rejoicing in that kingship. Pero doon sa Psalm dineclare ni David, through the inspiration of the Holy Spirit, na ang “thrones of the house of David” ay maituturing na “thrones for judgment”. Sa matagal na panahon naghintay ang mga Israelites ng hari na ipinangako kay King David, isang hari na manggagaling sa lahi Nya at ibabalik sa Israel ang dating glory na meron nito.

Jesus of Nazareth, coming from the line of King David, was born and came as an authoritative figure. He was called “King of the Jews” kagaya ng nabanggit sa Gospel according to Luke. The inscription on Jesus’ Cross may have been a mockery but it was indeed how the people treated Him nung huling pumasok Siya ng Jerusalem. Pero hindi Siya natanggap ng marami at ipinapako Siya sa Krus dahil sa iba yung “expectation” nila sa “reality” ng kingdom na dala ni Jesus. Sobrang disappointed yung marami na ang layo ng “expectation vs reality” pagdating sa Kingdom na dala ni Christ.

And they ended up crucifying Him.

Kapatid, Kristyano ka ba? Are you a follower of Christ?

What are your expectations of Him? Ano yung mga ineexpect mong gagawin ni Jesus para sa’yo?

He was crucified for you and for me. He took the death and punishment that we deserve kahit Siya hindi Nya deserve yun. And while we were still sinners, Christ died for us (Romans 5:8). How do you respond to that unconditional love?

Alin sa dalawang magnanakaw na katabi ni Jesus sa Krus ng Golgotha ang kapareho mo ng response?

I pray that your response will make Jesus say, “Today you will be with me in paradise.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: