How To Know The LORD

*Bible Readings: Isaiah 11:1-10; Psalm 72:1-2, 7-8, 12-13, 17; Luke 10:21-24

Last November 17, a week before a Bible Study group holds an evangelistic activity, nakipagkita sa kanila ang mga speakers nila para sa event nila for an advanced fellowship. The speakers, or panelists, thought mas maganda kung one mind and spirit na sila a week before the event. To ensure this oneness of spirit, THEGODTEST Questionnaire was administered to the group. Ang unang tanong ay kung naniniwala ba sila sa Diyos. Siyempre, lahat sila “yes” ang sagot. Pagdating sa pangalawang tanong, medyo natigilan at napaisip sila: “How will you describe God?”

Hmmm… Ikaw, how will you describe God?

Short and quick answer.

As Christians it is critical for them to be sure if they really know who Christ is… to know who God is (John 14:8-9). Pero ang nakakalungkot na realidad ay maraming nagsasabi na Kristyano sila, maraming nagsasabi na naniniwala sila sa Diyos, pero hindi naman talaga nila kilala kung sino at ano ang Diyos.

Ang ganda ng pangako sa reading today from Isaiah* dahil sinabi ng Diyos na “the earth shall be filled with knowledge of the Lord” sinuportahan pa ng passage from Psalm* na “all the tribes of the earth be blessed; all the nations shall proclaim his happiness”.  But how?

Paano nga ba makikilala ng isang tao ang Panginoon? E ng buong mundo?

Jesus said* what God has hidden from the wise and learned He has revealed to the childlike. He further said that these are anyone to whom the Son wishes to reveal the Father. Pero paano ba maging childlike? How can we make Jesus wish to reveal the Father to us?

I have a guess, and this is from my personal experience recently. Especially tonight. There was a misunderstanding between me and some men from my former small group. Ang masakit para sa akin ay naiintindihan ko sila, pero hindi nila ako maintindihan. I know this story sounds familiar at baka sabihin mo natural lang na ganito ang sabihin ko dahil side ko ‘to. Pero one remarkable thing when I spoke to these men is that they dominate the discussion. They talk more and they assume more. Dahil matatanda na sila at marunong na sila, inaassume na lang nila ang mga bagay base sa mga nakikita at naririnig nila. Hindi na nila ako tinatanong. Worse, when I speak, nakaready na agad ang sagot nila even before they digest what I really said. Ibang-iba kapag ang kausap mo ay bata. Tatanungin ka nila, “Ano’ng pangalan mo? Saan ka nakatira? Ano’ng ginagawa mo? Bakit ganon? Bakit ganyan?”

Children do not assume. Kids ask. If they want to know something, they seek it through questions. And they ask humbly, without any assumption and ready to accept any answer. Ganito ba tayo kay Lord?

Do we ask Him about His nature? Or do we just assume? Or maybe we fit Him in a box?

Do we listen to God’s answer when we ask in prayer? Do we take time to understand God’s revelation of Himself in the Scripture o itinutugma na lang natin yung mga nababasa natin sa Bible sa mga alam na nating katangian ng Diyos mula sa mga narinig na natin sa ibang tao at sa mga sabi-sabi? Minsan inuuna muna nating makinig sa mga pastor at mga evangelists sa TV o internet kapag may tanong tayo tungkol sa Diyos bago natin Siiya tanungin in prayer. Minsan kapag may gusto tayong malaman tungkol sa Kanya basa agad tayo ng mga Christian books o kaya mga Christian articles, o kaya makikinig ng mga podcasts. Wala namang masama sa mga iyon, kaso bakit hindi nauuna ang panalangin at pagbabasa ng Bible?

Kung may gusto kang malaman tungkol sa isang tao hindi ba mas magandang tanungin mo siya ng direcho kesa sa tanungin mo kung ano ang pananaw ng iba tungkol sa Kanya? Madalas naikahon na ang Diyos ng mga tao sa paligid natin, at dahil mas inuuna nating makinig sa iba kesa sa magbasa ng Bible at magtanong kay Lord in prayer, naikakahon na agad natin ang Diyos base sa pananaw ng ibang tao.

Sometimes I wish people who assume things about me would rather ask me questions first. I also pray na lahat ng mga Kristyano ay kagaya ng Bible Study group na sumagot ng THEGODTEST dahil nakita kong kilala talaga nila ang Diyos, dahil nga siguro sa pagbabasa nila ng Scripture. Ikaw, gaano mo kakilala si LORD?

How much of the Bible have you read?

Natatakot ka ba na hindi mo maintindihan ang mga nakasulat sa Bible? Just pray. Wag kang mag-alala, Jesus will reveal the Father to those whom He wish to. Just ask.

 


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: