SINO KA BA?

“Ang yabang naman nito!”

‘Yan ang madalas na kakabit ng rhetorical question na, “Sino ka ba?” Ibig sabihin tinatanong ‘yan pero yung tanong hindi naman talaga nanghihingi ng sagot. So hindi naman talaga siya tanong, sinasabi lang siya dahil may gusto lang i-point out. Which is: ANG YABANG MO! (Hindi ikaw… kung sino man yung tinutukoy.)

Pero may napanood akong movie na may sinabihan nito pero sumagot pa din sa rhetorical question.

“Big man in a suit of armor. Take that away what are you?” tanong ni Steve Rogers kay Iron Man.

steve-rogers-and-tony-stark-in-the-avengers

Sagot ni Tony Stark? “Genius, billionaire, playboy, philanthropist.” (Boom!) ‘E di mas maangas! Hindi mas astig, mas mayabang lang.

Ikaw, nasabihan ka na ba ng “Sino ka ba”? Baka may nayabangan na sa’yo. Sana hindi ka sumagot, kasi mahirap na kasing taas ng ego ni Tony Stark yung pride mo. Ibig sabihin nun sing-tigas ng mukha ni Iron Man yung mukha mo (Haha! Joke lang). O may sinabihan ka na ba n’yan? Gaano ba siya kayabang?

rock-rizal-concert-2011

Back in 2011, nasa isang open at free concert ako sa Mall of Asia grounds. “Rock Rizal” concert. Tumugtog ang Radioactive Sago Project. Sa background ng bandang musiko, inuulit-ulit ni Lourd de Veyra yung lyrics na, “Sino ka ba? Sino ka ba, Pepé?!” Dahil nga sa buhay ni Rizal ang topic ng mga awit na ini-launch, ‘yun mismo ang pinagnilayan ng mga lyrics ng mga kanta ng mga sikat na OPM band dun. Maangas ba si Rizal? Oo naman! Pero hindi ‘yung “angas” na mayabang kundi ‘yung angas na “astig”.

Pambansang Bayani. Doktor na, manunulat pa. Magaling sa school — sobre saliente! Kasama sa mga iilan lang na Pinoy na nakapag-aral sa Espanya (hindi yung malapit sa UST at binabaha, ‘yung sa ibang bansa talaga). Pintor. Magaling sa fencing. Hanep sa leadership skills! Nilabanan ang mga abusadong Kastila sa Pilipinas gamit lamang ang kanyang talino at panulat (calligraphy level pa ang handwriting!) Inspirasyon ni Bonifacio na childhood hero ko. Kaya inspirasyon ko din si Pepé. At siya ang inspirasyon ng mga OPM bands (pati sina Gloc9 at Ely Buendia) na sumulat ng mga kanta para sa Rock Rizal.

Sino ba si Rizal? Inaaral natin ‘yan sa school! Required ang mga nobela n’ya sa High School. Required pag-aralan ang buhay n’ya (sa college dati at sa ilalim ng K-12 Program ay nasa Senior HS na). Walang masyadong kontrobersya sa kanya maliban sa iilang mga bagay. The rest, malinaw na! Kailangan lang nakapag-aral at nakapagbasa ka ng mga gawa n’ya at ng kasaysayan ng buhay n’ya. Kaya madaling sagutin yung tanong na “Sino ka ba, Pepé?”

‘E si Jesus?

Dahil ang Pilipinas ang nag-iisang “Kristyanong bansa” sa Asya, iisipin mo na kilala ng karamihan sa atin si Jesus. Sa pangalan siguro. Pero kilala ba talaga? ‘Yung hindi tsismis lang.

Higit sa mga larawan at imahen, yung buhay at totoong teachings ni Jesus ang lumabnaw na sa sabaw ng kulturang Pinoy. Sa Pilipinas, may nagsasabing si Cristo ay tao lang at hindi Dios. May nagsasabing hindi lang si Jesus kundi pati daw siya ay “Anak ng Diyos” (yes, capital A daw). ‘Yung iba ang alam nila kwentong pambata lang si Jesus. Panakot (“magagalit si Jesus”). O pang-Pasko (“mamamasko po!”). O genie (“bigyan mo po kami…”). O fairy tale (“isasama ka sa langit, maganda ‘dun!”). May mga seryoso naman at nagsasabing church nila ang totoong church ni Jesus. Pero yun din ang sabi ng isa pa at nung isa pa at… ang dami nila! Kanino ba talaga?! May totoo ba sa kanila?

jesus-distorted-in-restoration

Nakakabahala para sa isang katulad ko na hamak na naniniwala, sumusunod, at nagseserve kay Jesus. Ang daming false teachings tungkol kay Jesus. Parang piyesta, parang tiangge. Parang bangketa na may “(Pirated) JESUS.” Dinaig pa natin ang China (no offense) sa pamimirata!

Is Jesus made in the Republic of the Philippines? Hindi. Pero ni-remake na natin.

Sigurado ka ba sa Jesus na pinaniniwalaan mo? Kung sigurado ka, ‘e ‘di dapat confident ka na basahin ang librong ‘to kasi alam mo kung ano yung totoo ‘di ba? Kapag may nabasa kang mali, malalaman mong mali ‘di ba? Mapapatunayan mo. Pwede mo akong i-correct.

“Sino ka ba?!” Baka itanong mo sa’kin.

Hindi ako sasagot kasi wala naman akong maipagmamalaki. Isa lang akong hamak na follower ni Jesus na devoted sa Katotohanan. Hindi ako takot na makinig at magbasa ng mga bagay tungkol kay Jesus kasi hindi ako nagpapa-brainwash. Nag-iisip ako. Inaalam ko kung tama ba o mali ang mga bagay. Kung totoo o hindi. Paborito ko kasi ang Science at History at importante sa mga katulad ko ang facts at evidence. Hindi fairy tales. Hindi legend. Ako? Hindi ako expert sa sagot. Kasi wala naman sa akin ang mga sagot. Pero may kaya akong gawin… tayo. Pwede tayong magtanong.

At dito sa seryeng ito, hindi ako sasagot. Magtatanong ako. Hahanap ako—tayo—ng mga sagot. Tanungin natin ang mga experts. Maghanap tayo ng mga ebidensya. Pwede mo akong samahan. ‘Wag kang matakot. Kung katotohanan ang makikita natin sa huli, ang totoong Jesus ang makikita natin. Kasi sabi ni Jesus, “I am the Way, the Truth, and the Life.”

Ang angas ‘di ba? Tingnan natin kung yabang lang ba o astig talaga Siya.

No denominations. No propaganda. No bias, just facts.

Just the Truth.

Just JESUS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: