Identity Crisis

Habang nag-aayos ng wall mount na sabitan ng curtain rod, nalagyan ng sobrang “super glue” ang mga daliri ko. Particularly, yung thumb.

FYI: Hindi ko kamay ‘to. Kuha ko lang sa internet. Hindi ako makapag-picture kanina… malalaman mo kung bakit.

Kung nangyari na ‘din sa’yo, alam mo yung nakakairitang feeling na may namuong makapal at matigas na layer sa daliri mo. At hindi ito yung tipo ng “Elmer’s Glue” na madaling tanggalin. Super glue talaga… ‘yung Mighty Bond ang dating.

E’ ‘di ayun… hindi ko ma-unlock ang cellphone ko. Hindi mabasa ng fingerprint reader yung right thumbprint ko, which is inconvenient dahil using one hand kakailanganin ko pang ilapag yung cellphone para gamitin yung forefinger o hintuturo na nakaregister din ang print. Hindi naman sobrang big deal pero nasisira ‘yung normal work flow ko sa paghawak at paggamit ng cellphone.

Again, hindi ko kamay ‘to. At syempre, malamang, hindi ko cellphone ‘yan. Internet uli, baby!

It took me hours to remove the glue. Ilang hugas at sabon na ayaw pa din matanggal. Hand soap.Dishwashing soap. Bath soap. Wala talaga! Ilang oras ang lumipas, dahil hindi ako sumusuko, natanggal ko din gamit ang scotch brite. Whew! ‘Yun pala ang katapat!
But this reminds me of a school slogan back in our childhood na madalas hindi napapansin ang lalim:

Cleanliness is next to GOD-liness.

May mga tao na ayaw lumapit sa Diyos dahil pakiramdam nila pipilitin silang magbago ng Diyos, ng simbahan, ng mga tao na maka-Diyos. Pwedeng totoo sa human part, kasi lahat ng tao ay nagkakamali (Romans 3:23). Pero hindi ang Diyos. Babaguhin Niya tayo, oo, pero hinding hindi tayo pipilitin ng Diyos. Because God is love (1 John 4:8); and love respects human will and choice. Pero the truth remains na habang lumalayo tayo sa Diyos, habang nagkakasala tayo, naiipon ang kasalanan sa buhay natin na parang super glue sa daliri natin.

Kagaya ng super glue, ang kasalanan ay makapit, mahirap tanggalin, at tinatakpan ang fingerprint natin–kung sino talaga tayo nang nilikha tayo ng Diyos.

Sin covers our REAL identity.

At ‘yung akala natin na malayang sarili natin ay ‘yung version ng sarili natin na nalinlang na at nahilo na sa mundong ito. That’s the pirated version of ourself, hinulma sa karakter at kasalanan ng Kalaban. Si Satan. Notice this: lahat ng masasamang tao–mga manloloko, sinungaling, abusado at mapagsamantala–lahat sila magkakaugali. Pero ‘yung mga malapit kay LORD, sila talaga ‘yung nailalabas ang unique identity nila. Kasi nakikita nila yung purpose na binigay sa kanila ni Lord at naisasabuhay nila ito.
Kapag may kasalanan na nakadikit sa atin, parang super glue na nangangapal sa pakiramdam, nag-eeffort ba tayong tanggalin? O hinahayaan na lang natin? Sinasanay na lang natin mabuhay nang meron nito?

Cleanliness is next to Godliness because it develops in us the discipline that whenever there is something dirty or wrong around us, we will make a conscious effort para tanggalin ito. And that’s what God wants us to do.

Ang catch nga lang ay hindi natin ito kayang tanggalin sa sarili lang natin. Actually ang unang instinct ko nung tumigas yung glue ay bakbakin ko gamit ang kuko ko. But it didn’t work. Saka ako naghanap ng external help: tubig at sabon. Sa buhay natin may mga bagay na akala natin makakawala ng guilt at shame ng kasalanan, kagaya ng paggawa ng mabuti, charity, religiosity, etc. Iniisip natin babawi na lang tayo. We can try and try different things but some things will just not work.

Hindi kayang burahin ng mabubuting gawa yung mga kasalanang nagawa at nagagawa natin. Hindi nadadaan sa bawi. Kailangan burahin ang kasalanan at tanggalin ang effect nito. This is where JESUS comes in. Siya yung scotch brite. Siya lang yung “nakakapag-alis ng kasalanan.” He is the Only Sacrificial Lamb acceptable in the process of removal of sins and its power in our lives (John 14:6).

Hey, quick check! Kilala mo pa ba ang sarili mo? Are you living out your life the way God wants you to live it?

Baka makapal na yung “glue” na nakaharang sa “fingerprint” mo. Acknowledge that you need help. And know that Jesus offers help that no one or nothing else can do. Come to Him.

He is inviting Himself in your life (Revelation 3:20). Receive Him in your life. And allow Him to take control and reveal who you really are.


In Him, you will find yourself… and you will know your purpose.

I pray you will make that decision, in Jesus’ name!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: